Ang mga Tanong na Isusulat ko sa Unang Pahina ng ating Istorya

Trance

IMG_2175

Nakatulala. Nakatingin sa kisameng pumapagitan sa mga matang naghahanap ng kasagutan at sa langit na tila nais sumuko sa labis kong kalungkutan. Saan nga ba hahantong ang mga bagay na walang kasiguraduhan? Saan hahanapin ang mga sagot na tila nagtatago sa mga damdaming kinulong ng rehas na pintuan?

Naguguluhan. Lalapit ba ako o lalayo ng tuluyan? Kung lalapitan ba kita sigurado ka bang hindi ka lalapit sa iba? Mananatili ba ako sa distansyang abot pero hindi sapat o sapat pero hindi abot? Dahil ayokong umasa sa pagibig. Ayokong umasa sa pagibig na inakala mong nariyan subalit wala nman. Yung tipo ng pagibig na pansamantala at mabilis maglaho. Yung pagibig na akala mo dalawa kayong magkasalo pero ang totoo ikaw lng pala ang seryoso.

Pikit-mata. Pilit na pinapakinggan ng taimtim ang bulong ng pusong tahimik na sumisigaw. Ano ang aking paiiralin, isip nga ba o aking damdamin? Doon ba ako sa…

View original post 27 more words

Advertisements

Ang mga Tanong na Isusulat ko sa Unang Pahina ng ating Istorya

IMG_2175

Nakatulala. Nakatingin sa kisameng pumapagitan sa mga matang naghahanap ng kasagutan at sa langit na tila nais sumuko sa labis kong kalungkutan. Saan nga ba hahantong ang mga bagay na walang kasiguraduhan? Saan hahanapin ang mga sagot na tila nagtatago sa mga damdaming kinulong ng rehas na pintuan?

Naguguluhan. Lalapit ba ako o lalayo ng tuluyan? Kung lalapitan ba kita sigurado ka bang hindi ka lalapit sa iba? Mananatili ba ako sa distansyang abot pero hindi sapat o sapat pero hindi abot? Dahil ayokong umasa sa pagibig. Ayokong umasa sa pagibig na inakala mong nariyan subalit wala nman. Yung tipo ng pagibig na pansamantala at mabilis maglaho. Yung pagibig na akala mo dalawa kayong magkasalo pero ang totoo ikaw lng pala ang seryoso.

Pikit-mata. Pilit na pinapakinggan ng taimtim ang bulong ng pusong tahimik na sumisigaw. Ano ang aking paiiralin, isip nga ba o aking damdamin? Doon ba ako sa alam kong masaya pero pwede akong masaktan o doon sa siguradong walang sakit pero may panghihinayang? Napakaraming katanungan. Sana pagbukas ng mata, makita ko ang mga kasagutan.

Hear Me

IMG_0609.JPGI could write a thousand poems for you,
Sing melodious melodies if you want me to,
Utter a million praises just for you,
There’s only one thing that I want you to do,
Stay with me and love me like I love you.

Paglalakbay

IMG_6960Nakatingin sa kawalan
Naglalakad ng walang paroroonan
Kasabay ng pagtulo ng luha ang pagbuhos ng ulan
Naalala ko ang aking kabataan.

Naliligo sa kalungkutan
Patuloy na nasasaktan
Patuloy ding lumalaban
Batid na sa buhay ay may kulang.

Saan ba ako patutungo?
San ba hahantong ang pagsusumamo?
Minsan ng nilamon ng takot ang matigas kong puso
Kailangang manatiling nakatayo.

Patuloy akong maglalakad
Patuloy kong tatahakin ang landas na hinahangad
Kung saan man ako mapadpad
Marahil ito ang nakaguhit sa aking mga palad.

Tadhana

IMG_1452.JPGMakikita din kita.
Marahil hindi pa ngayon.
Pero balang araw mangyayari din yun.
Kung di man magkaganon.
Dito lng ako.
Maghihintay sayo.
Magtatagpo din tayo.

He is Getting Married

IMG_0423Trying to stay calm and collected
I took a breath as I shook my head
Not sure if I’d feel happy or dead
He is getting married, i said.

With so much heartache I watched him walked down the aisle,
I managed to look at him with a smile.
For a moment I feel numb.
Questioning myself, how did I became so dumb.

He was my bestfriend, my confidant, my almost lover.
I want to believe that he is my forever.
All the memories we shared together
Keep popping up in my head out of nowhere.

Maybe I was just wrong to assume.
With your kindness I was so consumed.
I didn’t even notice myself falling
Until I saw myself bleeding, weeping, hoping.