Ikaw at Ako, Asan Tayo?

IMG_3860.JPGNoon akala ko simple lang ang pagibig. Mahal mo sya, mahal ka nya, kayo na. Noon naniniwala ako na kung nagmamahalan kayong dalawa, ang salitang hintay ay balewala. At kung totoo ang pag-ibig, ito ay hindi mawawala. Nagbago ang lahat ng makilala kita. Sabe mo noong una seryoso ka at di tulad ng iba. Napaisip ako, naguluhan…pati puso ko gusto kang pagdudahan.

Masaya, oo masaya tayo, pero hindi ako sigurado sayo at kung ano nga ba ang meron tayo. Ano nga ba tayo? At sa unang banda, meron nga bang tayo? Nakakalito, dahil minsan parang “oo” minsan parang “ewan ko.” Marahil mahal na nga kita, pero hindi sapat para sabihin kong “oo tayo na.” Medyo magulo. Medyo kumplikado.

Gusto kitang subukan, sukatin ang iyong hangganan. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing aking gagawin, nangingibabaw ang bulong ng damdamin. Minsan sa aking pagiisa nais kong makausap ka. Sa aking kalungkutan iniisip kong nasa tabi kita. Sa aking pagtangis gusto kong sabihin mong tahan na, mahal kita. Subalit sadyang hindi maikakaila, may mga pagkakataon na bigla ka nlng nawawala. Kung asan ka man, hindi ko alam, wala man lng paalam.

Sa kabila ng lahat, gusto kong maniwala na ikaw na nga ang mailap na tadhana. Gusto kong maniwala na ikaw na nga ang pinangarap kong mahalin at iharap sa dambana. Subalit bakit ganon, isang araw tuluyan ka ng nawala. Hindi ko alam ano ba ang aking nagawa. Wala, wala akong karapatang magalit o makaramdam ng ano mang sakit. Dahil ano nga ba tayo? Ikaw at ako asan tayo?

Nakakalungkot isipin na ang mga bagay na pinangarap ko noon ay pinapangarap ko pa rin hanggang ngayon. Marahil ang pag-ibig na totoo ay kabilang doon. Nakakalungkot isipin na ang akala kong tayo na…ay ako lang pala. At ang salitang “ako” ay nangangahulugan ng pagiisa. Naniwala kase ako sayo noon nung sinabe mong maghihintay ka. Naniwala ako nung sinabe mong “dito lang ako aking sinta.” Subalit ngayon asan ka? Nakahanap ka na ba ng iba? Naguguluhan ka din ba kaya lumisan ka? Nagiisa…naiwan na naman akong nagiisa. Paalam masayang ala-ala. Kung muli man tayong magkita, wag na tayong umasa. Marahil hindi tayo ang itinakda para sa isa’t isa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s