Ang mga Tanong na Isusulat ko sa Unang Pahina ng ating Istorya

IMG_2175Nakatulala. Nakatingin sa kisameng pumapagitan sa mga matang naghahanap ng kasagutan at sa langit na tila nais sumuko sa labis kong kalungkutan. Saan nga ba hahantong ang mga bagay na walang kasiguraduhan? Saan hahanapin ang mga sagot na tila nagtatago sa mga damdaming kinulong ng rehas na pintuan?

Naguguluhan. Lalapit ba ako o lalayo ng tuluyan? Kung lalapitan ba kita sigurado ka bang hindi ka lalapit sa iba? Mananatili ba ako sa distansyang abot pero hindi sapat o sapat pero hindi abot? Dahil ayokong umasa sa pagibig. Ayokong umasa sa pagibig na inakala mong nariyan subalit wala nman. Yung tipo ng pagibig na pansamantala at mabilis maglaho. Yung pagibig na akala mo dalawa kayong magkasalo pero ang totoo ikaw lng pala ang seryoso.

Pikit-mata. Pilit na pinapakinggan ng taimtim ang bulong ng pusong tahimik na sumisigaw. Ano ang aking paiiralin, isip nga ba o aking damdamin? Doon ba ako sa alam kong masaya pero pwede akong masaktan o doon sa siguradong walang sakit pero may panghihinayang? Napakaraming katanungan. Sana pagbukas ng mata, makita ko ang mga kasagutan.

Advertisements

One thought on “Ang mga Tanong na Isusulat ko sa Unang Pahina ng ating Istorya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s