Ang Ala-ala ng Asul na Rosas

cropped-img_0739

Saglit akong nahimlay.

Pikit ang mga mata habang hinihimay,

Ang mga ala-ala na minsan ko ng

Pinatangay sa alon ng mga dahong

walang sawang sumasayaw,

Hanggang sa mauhaw.

Hanggang sumigaw,

Tuluyang umapaw.

Asul na rosas.

Wala ka talagang kupas.

Nakangiti.

Habang inaabot sa akin ang asul na rosas.

Habang umaasa sa di batid na bukas.

At sa pagitan ng mga ngiti,

Nakadungaw ang mga salitang pagod at dalamhati,

Sa kabila ng mga tanong na: kumusta?

Ay may hikbi sa mga labi.

May pag-asa.

Yan ang mga salitang hindi mo man banggitin,

Hindi mo man sabihin,

Hindi mo man aminin,

Ay nakasulat sayong mukhang

bakas ang pait ng pag-iisa.

Umaasa na sa pagkakataong ito

Kayo ay magiging dalawa.

Naaninag ko sayong mga mata ang ligaya.

Sabi mo pa: sa wakas, sa buhay mo naging sigurado ka.

Subalit sa muli, subalit sa huli…

Sumapit ang takipsilim

Tuluyan ng nilamon ng dilim

Ang aandap-andap na liwanag ng araw

Habang ang mundo ay mahimbing na natutulog,

Ang buwan ay nakadungaw

Tila may tinatanaw.

Pumalahaw.

Ang sundalong ayaw pagapi ay biglang tumangis.

Hindi matanggap ang pagkasawi.

Mga salitang hindi ko na mababawi.

Tumakbo ang gulong ng mga araw.

Saglit akong nahimlay.

Napako ang mga mata sa asul na rosas na yong minsang inalay.

Habang sa sarili binibigkas ang mga katagang:

“Gusto pala kita.

Subalit huli na.

Dahil ang puso mo

may laman ng iba.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s